Tuesday, August 29, 2006

Eto na mga kwento...

+ August 11, 2006 +

I went home that morning very tired and sleepy. Pag yakap ko kay baby, nawala yung pagod ko kase naman may lagnat sya. I immediately asked yaya if she gave Lanna any medicines na.Yes daw. So bilang nalang kami ng 4 hours for the next dosage. Malikot pa rin naman si baby kahit may sakit na. She bites everything she sees... her toys, my celphone, barney and even the remote control. Nako gigil na gigil pa. Mukang nag iipin na nga talaga. We watched baby mozart while Lanna played around the bed. Her usual routine is to stand up with the help of a pillow, face the wall, dance if theres music from the video, crawl around and look for my celphone. Hay! ang likot talaga. Minsan kase pag sabay kami natutulog, nauuna sya magising. Magigising nalang ako sinasabunutan na nya ako! Minsan antok na antok nako pero gusto ko pang bantayan si baby... Naisip ko, hindi naman ako si super naman para hindi matulog db. Kapag mga 11:00am or 12:00pm na, binibigay ko na sya sa yaya nya para makatulog naman ako. Gigising ako around 5:00 pm para maglaro na naman kami sa bed. Mga 6:00 pm, maliligo nako. Pero parang may sinat parin si baby. I have no choice kundi pumasok parin sa work since bago palang ako dun. Tinawagan ko nalang si jp para umuwi nalang sya ng maaga.

+ August 12, 2006 +

Saturday morning... nagtext sakin si Ate Jen, sabay na daw ako sa kanila pauwi ng Bulacan. Thank God! I don't have to take the bus. That last time I took the bus, eh may na-hold up pa! Hay buhay! Anyway, nakauwi nako agad nun. Pagdating namin, nag paluto na si ate ng breakfast habang ako naman nag papalit ng bedsheet at nag lilinis ng kwarto namin. Around 11:00 am, natulog si baby kaya nakapunta kami sa SM. May titignan daw sila ate dun. Ako naman titingin ng damit para may maisuot ako sa debut ng sister ko. Sa Karimadon ako pumunta. Ang daming choices pero hindi lang talaga kasya sakin! NAKAKAINIS!!! Kung dati nabibili ko lahat ng gusto ko pero ngayon hindi na... may pambili naman ako pero hindi lang talaga kasya sakin! I was about to give up kase naisip ko.."Am I looking in the wrong store?!" Sempre sasabihin nyo "OO!!!" Bwahahaha! Finally, may nakita akong blouse. Old rose, mahaba, halter style na backless... sa wakas kasya. Binili ko na pucha! So after that, umuwi na kami agad. Then kumain kami ng lunch tapos umalis narin sila ate around 4:00 pm kase may lakad pa daw sila. Ang galing nga kase gising pa rin ako! More than 24 hours nakong gising! Iba na nga tingin ko... parang malabo na.. or nahihilo nako... Nung gabi... walalang.. natulog nako sempre!

+ August 13, 2006 +

Sunday morning... feeling ko kulang na kulang parin ako sa tulog. Pumasok parin si JP pero half day lang sya kase pupunta kase sa 2nd Birthday ni cousin Williane Amandine sa Pixie Forest, Festival Mall, Alabang. Hindi na kami nakapag simba nun kase nilalagnat na naman si Lanna. Sobrang worried na nga ako nun kase nung friday pa sya may lagnat. Anyway, mga around 11 or 12 wala na syang lagnat kaya pagdating ni jp galing office, umalis na kami agad kase mahaba byahe namin... from North to South! Kasama namin si Mark (cousin ni jp), yung yaya ko nag day-off. Dumating kami dun sa Festival Mall around 2:00pm na. Tama lang. Nagulat nga mga tita ko kase ang laki na daw ni Lanna. Sempre! Huling kita kase namin eh buntis pako nun... tagal na pala. After the party, umuwi nakami agad. Sayang nga, gusto ko pa namang mag ikot pa sa mall. Kaso kelangan na namin umuwi kase masakit na daw yung tyan ni jp eh. Mga 7:30pm ata kami dumating ng Bulacan. Wala kaming dinner sa bahay kase wala nga yung yaya ko kaya kumain nalang kami sa KFC, SM marilao. After that, umuwi na kami. Grabeh! nakakapagod...

+ August 16, 2006 +

Pag uwi ko that morning nakita ko si jp sa kapit-bahay... Sempre nagulat ako kase hindi sya pumasok. Dadalin daw namin si Lanna sa doctor kase may lagnat pa rin... salamat naman. After ko magbreakfast, inayos ko na agad yung gamit ni baby then pinunasan ko na sya. Paalis na sana kami kaso wala pala yung susi ng kotse. Nasa room ni daddy... eh naka-lock yung room nya! Nanghiramnalang si jp ng motor sa kapit-bahay. Alam ko, dalawa yung motor nila. Isip ko, sana wag naman yung scooter kase baka hindi kami kasya. Pagdating ni jp, nakita ko scooter na maliit dala nya!Syet! Makaya kaya kami?! Nako naisip kong wag na magreklamo kase nanghiram lang kami. Paganahin nyo nalang yung imagination nyo... isipin nyo kung ano itsure namin nun! Anyway, sa ibang pedia kami pumunta kase yung pedia talaga ni baby sa gabi lang ang schedule. Okay naman yung doctor. Namaga lang daw yung left side ng tonsil ni baby kaya sya may lagnat. The doctor gave us antibiotoc and additional vitamins. Dumaan kami sa SM marilao to buy medicine. Pag daan namin, naaninag namin yung itsura namin habang umaandar... tawa kami ng tawa kase ang laki namin tapos ang liit-litt ng scooter! hehehehe Pag uwi namin, natulog nako agad. Pag gising ko , narinig ko nag lalaro si jp at si Lanna sa kabilang room. Naligo nako agad tapos nag dinner. Naisip ko, 7 months na pala si Lanna bukas. Ay nako! hindi nako bibili ng ice cream! Pinapakain pala ni jp si baby kapag may ice cream eh, kaya tuloy nagka-tonsil.

Posted by Lizzz @ 9:16 AM

Read or Post a Comment

wawa naman si lanna.
iniimagine ko tuloy kung nasaan si lanna nung nakasakay kayo sa maliit na scooter. wahahaha mukhang sinandwich nyo ah!

Posted by Blogger me @ 1:31 AM #
 
<< Home

+ About Me +

* daughter * caring sister * wife * loving mother * caring friend * bassist * x-guitarist * drummer * bathroom singer * trained ramp model * former cheerleader * frustrated swimmer * beach-goer * tennis player * driver * internet surfer * x-readers digest collector * pizza addict * popcorn muncher * movie watcher * pastry chef wanna-be * party-goer * beer drinker * music lover *

My Unkymood Punkymood (Unkymoods)

+ Visit my sites +

    listette1b

+ Current Posts +

+ MUST READ +