Tuesday, June 27, 2006

Four days

Four days akong bakasyon... Friday, Saturday, Sunday and Monday. Haay! ang sarap ng nasa bahay lang at kasama si Baby hehehe... Galing kase ako sa inuman nung Thursday kaya nung Friday hindi ako nagising. At nabenta pa yung motor namin kaya hindi ako nakapasok nung Saturday hehehe. Sunday and Monday naman off ko... Nung Sunday pala, nag punta kami kila Ardey sa Las PiƱas... Medyo maulan nga lang at ang hirap ng byahe kase matagtag... Don't ask why nalang hehehehe... After mass deretso nakami dun. Mga 12:30pm kami dumating. Pahinga konti then kain kami ng Lunch. After eating, play naman kami with our babies, Lanna and Amandine. Grabeh! ang daming toys ni Amandine! Nakakalula. Nakakatawa pa yung crib nya, may nakataling keyboard hehehe Tapos may maliit ng Drumset at guitar na pang bata talaga pero ako ata yung naglaro nun hehehehe! After that, nag aya yung sister ko pumunta ng Alabang Town Center. Punta kami lahat kasama namin si Lanna. Ngayon lang halos nakakapag-mall yon! Kase first time namin sya dinala sa SM Marilao eh mga 2-3 months palang ata sya nun so tulog lang sya lagi... Ngayon nilagay namin sya sa baby carrier (na bigay ni mamu) at si daddy Jp ang nagbuhat. Nakakatuwang tignan grabeh! Sayang hindi ko nakunan... Ang cute kase hindi sya umiiyak... tingin tingin lang sya mga tao. Binilan pa nga sya ni mami ko ng travel hat galing sa Enfant eh...

Umalis kami dun ng 6:00pm at bumalik nakmi sa house nila para mag dinner. After dinner konting kwentuhan then alis narin kami. Malayo pa kase byahe namin eh... From South to North! hehehehe Sa dadating na weekend malamang sa bahay nalang muna kami. Pero sana makanood naman kami ng sine! Superman! hehehehe

Share ko lang tong photo ni Lanna nung naglalaro kami.... bungal nga lang hehehehe!


Posted by Lizzz @ 2:20 PM

Read or Post a Comment

hahaha.. kamukha sya ni JP pagka nakataling ganyan ang hair nya!!! ang kyut kyut!!! gusto ko rin ng girl!!!! waaaahhh!!!!

Posted by Anonymous Anonymous @ 7:32 PM #
 
<< Home

+ About Me +

* daughter * caring sister * wife * loving mother * caring friend * bassist * x-guitarist * drummer * bathroom singer * trained ramp model * former cheerleader * frustrated swimmer * beach-goer * tennis player * driver * internet surfer * x-readers digest collector * pizza addict * popcorn muncher * movie watcher * pastry chef wanna-be * party-goer * beer drinker * music lover *

My Unkymood Punkymood (Unkymoods)

+ Visit my sites +

    listette1b

+ Current Posts +

+ MUST READ +