Saturday, April 22, 2006
Naalala ko lang
Nung isang araw naglalakad ako pauwi samin sa Bulacan. May nakita akong batang babae... Mukang naglalaro sya... pano naman may damit (na parang long sleeves ata yon) na nakasuot sa ulo nya. At sinusuklay pa nya yung manggas na akala mo buhok na mahaba. Pag kakitang-pagkakita ko, bigla akong napangitit kase naman naalala ko yung mga nilalaro naming nung mga bata pa kami. Dati kase bawal kami lumabas ng bahay kaya ika-nga nila puro indoor sports este mga common lang ang nilalaro namin katulad ng bahay-bahayan, tinda-tindahan, reto-restaurant at iba pa. Ayoko ng bahay-bahayan kase lagi nalang ako ang nanay. So marami akong lagi ginagawa, like mag alaga ng bata, magluto at maglinis ng bahay. Gusto ko sana maging si bunso pero sadyang malaking babae nako nun kaya ganon. Malas! Minsan naman reto-restaurant… dito namam, ako lagi ang may ari ng restaurant at ako ng nagluluto. Tinatanong nyo ba kung ano niluluto ko? Well, durog na dahon para sa ulam, buhangin para sa rise at pulbos sa tubig, kunwari softdrinks. Lagi kong customer yung pang apat naming kapatid kase sya pinaka bata nun kaya kahit anong sabihin mo sa kanya susunod lang sya… kumbaga—uto-uto. Sabi nya nung minsan, masarap daw.. nagulat nalang ako kinain pala nya yung buhangin… imbis na matakot ako, natawa pako kase kasabay ng buhangin ang sipon nya… may onse kase lagi yon eh.. sa sobrang tawa ko, bigla syang umiyak kaya ayon lagot na naman ako kay mami. Minsan naman, tinda-tindahan… aba sempre ako ang tindera nho… namimitas ako ng mga dahon sa bakuran namin at yon ang mga tinitinda ko. Pinaka ayaw kong magligpit kase hindi ko na alam kung san ko ilalagay yung mga pinagkukuha kong mga dahon. Minsan naman pag nandun kami sa tita ko sa kabilang bahay, dun ako lagi sa Singer Sewing Machine nila. Iniimagine kong kotse ko yon, cool db? Umuupo ako dun sa tapakan at yung wheel, yon ang manibela ko. Mainit nga lang kase hindi ko tinatangal yung cover na tela... kunwari may aircon.
Pag matutulog naman kami at gusto pa naming maglaro ng mga kapatid ko…. Dun kami sa may bedroom. Tinatali namin yung kumot sa leeg naming na akala mo cape na mala-prinsesa. Hindi ko tinuturing prisesa ang sarili ko dahil ako lagi ang reyna bwahahaha… mas mahabang kumot, mas maganda. Malas lang ng isa kong kapatid dahil makapal ang kumot... nahihirapan syang itali sa leeg nya. Nung minsan naitali nya pero nakakatawa yung itsura kase ang laki ng buhol sa leeg nya... panget na tignan. Minsan naman bahay-bahayan uli pero kanya-kanya na kaming bahay. Sinasabit namin yung kumot namin sa double-deck or sa cabinet na malapit sa kama para magsilbing divider, wall or pader ng bahay namin. Madalas magalit mami ko nun kase nag mumuka daw squatters area yung kawrto namin. Kapag trip ko namang mag isa, nilalaro ko yung kaisa-isang Barbie doll ko na may violet na gown. Mahaba ang buhok nya kay sobrang ingat na ingat ako nun. Kung minsan naman, yung play dough set ko pero pinaka ayoko magligpit talaga.
Nung malalaki nakami, nakakalabas na kami ng bahay pero sa tapat lang. Patintero, base-to-base, habulan at touch ball ang nilalaro ko. Sadyang mabagal akong tumakbo nun kaya madalas talo. Gustong gusto kong kumakanpi sa mga mabibilis tumakbo pero mukang ayaw nila lagi. Badtrip talaga. Nung nag high-school na, monopoly at MAD game boards na trip namin… Natatawa nalang ako minsan pag naaalala ko yung mga escapades ko nung bata ako dahil inaamin ko, nag lagay rin ako ng damit sa ulo ko katulad nung batang nakita ko.
Ano naman ang sayo?
Read or Post a Comment
HAHAHAH!!! naka-relate ako ng sobra dito sa post moh! naglalagay rin ako ng damit sa ulo noon para kunwari long hair. kaya lang ang inilalagay ko ay palda na kulay red at suot-suot ko iyon habang nagsu-swing kami sa may public playground dito sa navotas!
at yung sa makina pa pala! gawain din namin yang magkakapatid noon! minsan naman taguan sa may loob ng kabinet, aparador, lahat ng sulok! tsaka sunda-sundalo. gumagawa kami ni diko ng parang obstacle course na mga upuan, gulong, etc. teka nga, ma-iblog na nga! ang haba ng kwento eh!
lutu-lutuan ko mga palayok galing antipolo. walang nakikipaglaro saken kasi takot lahat sa tatang ko. siyaaaaaaaa....to! patintero, agawang base, at football.