Monday, April 6, 2009
Super friends conquers HK - Day 4
This entry is soo late. Catching-up mode ako ngayon kase super busy kami last week. Anyway eto na...
Day 4 - Reserve ang araw na to for Oceanpark only. We had an early breakfast at KFC. Sa lahat ng breakfast meals na nakainan namin, pinaka gusto ko sa KFC kase ang daming choices. Ibang iba sa menu dito satin. Pero ang patok na patok samin eh etong inorder ko. Sulit kase tapos ang sarap sarap pa!
Sempre okay rin sa Yoshinoya at third place nalang para sakin ang McDo. McDo na naman?! hehehe. Anyway, we got there before 10AM so the place is still closed, so picture taking to the max sa entrance palang....
Tapos nag gayahan na... group jump shot naman. Dyos mio pinag titinginan kami ng mga tao eh. Waahh inggit ata.. gusto rin siguro mag jump shot.
~ 1...2...3... Jump! ~
~ Sea Jelly entrance. Ayun yung jelly fish oh! ~
Can't believe andito na naman ako sa Oceanpark. After 12 years, sempre ang dami naring nagbago. Eto yung mga naalala ko...
1. Dolphin show - parang mejo maikli na yung show ngayon. Iba narin itsura ng stage at iba narin yung show flow. Pure music nalang tapos wala na yung whale. Pero ok sya kase hindi naiinip mga tao.
2. Cable car - Napansin ko bago na yung cable car. Naalala ko nun parang maingay yung cable car dati. Maingit sya at madalas pang huminto sa gitna. Parang nag brown-out. Kaya naman takot na takot mommy ko nun.
3. Food - malamang talga mag babago rin ang menu nila. Hindi ko lang alam kung magkano kase sindot ilong, kamot pwet lang ako nun dati.
4. Sea Jelly - Ngayon lang ako nakapasok dito. Hindi ko alam kung bago to or hindi lang kami nakapasok nun dati. Pero oks talga sya.

Pag pasok palang sa loob, ang ganda ganda na. With matching classical music pa. Para tuloy silang nag sasayaw!
Naalala ko tuloy yung puerto-galera-jelly-fish-near-death-experience ko. Ganito kaya yung dumikit sakin nun? Waahhh aray!
Sabi nga ni Will Smith sa 7 pounds na movie nya, deadliest daw ang jelly fish, proven ko na yan, kaya ingat ingat ngayon summer! More picture *here*
Contination: Super friends conquers HK - Day 5.
Labels: Travel
Read or Post a Comment
<< Home