Sunday, November 26, 2006

First Christmas

Christmas is just around the corner. Time flies when your enjoying life with your baby! hehehe Oh! This is Lanna first christmas! sana wala akong pasok that day so I can be with her. Kukuha na talaga ako ng CS para makapasok sa SC dahil ayoko na sa call center... Anyway, so many many good things happened... hindi ko na alam kung papano ko iku-kwento lahat... Tignan nyo nalang yung mga Pictures! namin...

Baby updates: Graaaabeeehh!!! Mas malikot ngayon si Lanna! As in alam nyo yung batang ikot ng ikot at laro ng laro... ganon sya ngayon.. Very active! Pag pumunta kami sa mall, hindi na namin dinadala yung baby-carrier... pinapalakad namin sya. At ang baby, gusto nya left hand lang ang hawak mo, eh hindi naman pede kase para syang lasing maglakad... she's still trying to master the balance of her body weight. Pero nakakatuwa kase she can stand up, all by herself.



Lanna's birthday update: We confirm na sa bahay namin gagawin yung birthday nya. Malaki kase yung backyard namin at pedeng pede mag party. Food naman, mag papaluto nalang kami. For this give aways, prizes etc., pupunta pa kami ni mami sa divi maybe this friday. For the the face painting, I have my sister to do it. Problem ko nalang yung magiging host ng party. I still need to convince one her ninang to do it hehehe!


Na-realize ko just now... DECEMBER na pala sa friday! grabeh time flies nga naman... parang kelan lang, I was planning for my wedding, ngayon first birthday na!


Andito nga pala sa bahay namin sa qc kase susunduin namin si mama sa airport later then pupunta kami sa las piƱas to visit Lanna's cousin.. Amandine. Exicted nako kase marming toys dun sobra! Siguradong matutuwa si Lanna.


Yesterday pala.. hubby, ako, ate jen, jo, daddy and Lanna went to Teriyaki Boy for lunch. Masarap pala. Grabeh sira diet ko for the week. Tapos nag starbucks kami. Enjoy na enjoy kami kase yesterday...


Lanna is indeed growing up... kase sa picture na to... mukha na syang bata at hindi na baby...



Labels: ,

Posted by Lizzz @ 7:12 AM :: (1) comments

Monday, November 6, 2006

Vector link

Since natutuwa talaga ako sa Vector art ng sister ko.. I've decided to get everything and put it on one folder nalang then update ko nalang sya from time to time...

Image hosted by Webshots.com
by zitrozil

Labels:

Posted by Lizzz @ 3:31 AM :: (0) comments

Wacky weekend

What a weekend! Hubby, Lanna and yaya went home (qc) last friday. Sempre ako pumasok na naman sa office. Sinundo ako ni papa saturday morning. Pagdating namin sa house, pahinga lang tapos alis na agad. Kase pupunta kami sa Tanay to visit my uncle (papa's cousin) sa farm nila. Asawa nga pala ng uncle is my OB, kaya nakalibre ako nyahahaha... We got there around 1:00 pm na kase ang layo. And in fairness ang laki ng place! Parang tipong spanish-telenobela na nakikita ko sa tv. After eating, kwentuhan konti. Pero ako, tingin-tingin lang... kase naman, sila yung mga tipong relative namin na soobrang bihira lang namin makita. Nagkikita lang ata kami pag may lamay (*knock on wood*)... at lagi silang nasa US. Himala nga, nag kita-kita ng walang lamay nyahaha... We went home around 3:00pm. Grabeh ang byahe... Finally, pagdating namin sa house andun na sila Ardey horaay!

We stayed home lang, ate dinner, watch tv, surf Internet at sempre play with babies. Nakakatuwa silang tignan. Parang nagkakaintidihan sila with their baby talk! Ang bait nga ni ate Amandine kay Lanna eh...


~ cutie babies! ~



The next day (Sunday), we all went to church and ate lunch. We agreed to go out late that afternoon and eat dinner to celebrate Sara's bday since kompleto naman kaming lahat. My sister's birthday is on November 8 pa, so that dinner will be her pre-birthday celebration haha! We went to Shangrila kase napag usapan namin while eating lunch na dati madalas kami sa shangrila nung bago pa yung mall. As in, halos every sunday nandun kami namamasyal. We even joked around with our ourfit pa nun kase si mommy pinapasuot samin yung mga dress. Anyway, guess where kami kumain....?



~ Menu please! ~


Kami na ata yung pamilyang mahilig sa pizza. Ewan ko ba?! Simula ata nagkaron ng Palm Card ang Pizza Hut , nahilig na kami sa pizza eh. Pero this time, hindi na Pizza Hut... CPK na.

~ Yummy pizza! ~

I did not had the chance to shoot everything... pano naman paglagay ng food, galit galit na! hahaha! Nasira tuloy yung diet ko...

After eating... lakad lakad muna. Then sempre mawawala ba naman ang Starbucks?!


~ I'm soo full ~


I've never seen Lanna soo happy and excited! Tawa sya ng tawa nyan at sipa na sipa habang nakasakay sa baby carrier with hubby... Teka picure muna kami!


Upload ko nalang yung pictures namin next time...
For now... HAPPY BIRTHDAY DEAR SISTER SARAH!

Labels:

Posted by Lizzz @ 2:11 AM :: (2) comments

Saturday, November 4, 2006

Happy Halloween! (late na)

Happy Halloween! Late na db?! hay... pano naman nag change ng schedule sa office kaya 8 days straight akong pumasok. Naiiyak na nga ako nung thursday kase hindi ko na talaga kaya. I need sleep! November 1-- sarap ng tulog ko the whole afternoon. Then on my way sa office, I tried browsing Lanna's photos sa celfone ko... nagulat ako kase eto nakita ko...


Pagkakita ko.... waaaahhhh!!!! Pano naman tignan nyo... mag isa lang sya nakaupo sa motor... pano kung malaglag sya? Aaaarrrrgggghhhh.... si hubby talaga oh. Anyway, maganda naman db? Nyahahaha...

~~~~~~~~~~

Lately, si hubby na nagpapaligo kay baby... pano naman kase hindi ko na talaga kaya... sobrang antok nako. Pag nagpapaligo ako... ginagamit ko pa yung Baby's first na lalagyan ng baby na binigay ni Ardey.. Pagkita ko, eto naman ang style ni hubby.....

Waaahhhhh! sa timba! Pero in fairness... nawala fear nya sa water ng dahil jan... nag iisip tuloy ako bumili ng mini-inflatable pool para sa kanya...

What do you think?

Labels:

Posted by Lizzz @ 6:11 PM :: (1) comments

+ Visit my sites +

+ Chat Box +

+ Marry Me Amy +

+ Blog Friends +