Wednesday, August 30, 2006
Gelai's debut
As usual, home-made pa rin ang invitations at souvenirs.
Labels: Zitros
August 27
We woke up at 7:00am. Gusto ko pa sana matulog kaso kelangan ko ng gumising eh. Dadating kase sila Ate jen at mag sisimba kami ng 8:30am. Naligo nako agad tapos si baby naman pinaliguan ko. After that, kumain nakami ng breakfast. Nag simba kami 9-10:00 am. Nakakatawa kase sa simbahan may baby rin. I'm sure, mas matanda yung batang yon kesa kay Lanna kase nung nag smile yung bata, may 4 teeth na sa taas at 2 sa baba hehehehe Ang nakakatawang part eh nung mag baby talk yung bata kay Lanna. Aba! Ang anak ko, sumagot rin ng baby talk. Parang nag uusap sila pero puro baby talk.. ang cute divah!
Lunch namin, dalawang crispy pata at chicken feet! Grabeh! Pampabata. After kumain, natulog kami ni Lanna sa kwarto. Nung nakakaisa't kalahating oras palang kami natutulog... ginising ba naman ako ni jp... mag papakabit daw sya ng cable sa TV. Sabi ko, cge lang sabay tulog uli ako. Maya-maya ginising na naman ako... Lipat daw kami ni Lanna sa kabilang kwarto kase anjan na daw yung magkakabit ng cable. Pucha na gising naman si Lanna pag lipat namin ng room. Pagtingin ko sa time--3:00 pm. Ang malas ko talaga kase hindi nako nakatulog nun... 4:00 pm mag cha-chat na, 5:00 pm kelangan ko ng maligo at 6:00 pm kelangan ko ng umalis. Ngayon antok na antok tuloy ako d2 sa office...
August 26 - Go Live Dinner
Labels: chikahan
Tuesday, August 29, 2006
August 23 & 24, 2006
+ August 23, 2006 +Nag absent uli si jp kase dadalin namin si Lanna ss doctor, just to check kung okay na yung tonsil nya. At isa pa, inuubo naman sya ngayon. So pagdating ko sa house, naglilinis yung maid. Nilipat na rin nila yung cabinet ni baby sa kabilang kwarto at yung computer sa kabilang kwarto naman... bale parang nag palit lang. Mas maluwag ngayon ang kwarto namin. Bibilan ko nalang ng bagong curtains yung room, okay na! Umalis kami sa house mga 9:30am na. Sabi ng doctor, okay na daw yung tonsil ni baby. Binigyan nalang kami ng gamot para sa ubo nya. Pag gumaling yung ubo ni baby, dadalin ko uli sya dun to get her ear pierced. After sa doctor, dumaan kami sa SM para bumili ng gamot at sa grocery kase bibili kami ng milk at diapers. Mukang dalawang baby ang binilan ko kase Moo chocolate drink at Koko Krunch naman kay Jp... hay nako! Pero okay lang at least hindi alak or beer davah! After namin sa grocery pinuntahan namin yung store kung san namin pinagawa yung computer. Nakakatawa talaga kase si Lanna nakasakay sa push cart, so sempre paatras yung andar since nakaharap sya kay Jp. Aba! pilit humaharap sa likod, kase baliktad nga naman db. So ang ginawa ako, nilagay ko nalang sya sa loob mismo ng cart para nakaharap na sya..... getz nyo ba? hehehehe Eto ang itsura nya....
Umuwi na kami agad after that kase naman, antok na antok nako at may pasok pako nun. Dumating na yung mga padala nila mamu... (Thanks mamu!) Perfume para samin ni JP at maraming damit para kay Lanna. Grabeh ang cu-cuteng mga dress!
+ August 24, 2006 +
Hangang 6:00 am lang talaga yung shift ko... After this, may NST training pako ng 6-8am then Voices '06 meeting 8-10 am! Grabeh! 4 hours Overtime ako... Nakauwi ako mga 11:30 am na. Natulog nalang ako agad then gising ng 5:00 pm, ligo at papasok na naman.... hay buhay....
More more and more kwento...
May 3 hours OT kami sa office ngayon kaya 9:00 am na kami nakalabas. Inayos pa kase namin yung mga workstations namin para may magamit kami sa Monday. Okay naman. Meron akong sariling workstation, sariling computer at sariling pedestal. Pag out namin, kumain kami with my new friends sa Chowking sa cubao. Brunch na yon kase 10:30 am na ata yon eh. After eating, dumaan kami sa UK. Grabeh hilo nako nun pero sige pa rin ang halukay sa UK. I bought 2 black skirts and extra high-cut chuck taylor style sneakers. Mga 12:00 pm na ata ako umuwi nun, so dumatin ako sa bahay mga 1:00pm na. Pagdating ko, inayos ko na agad yung mga gamit na dadalin namin. Stuff like, clothes to wear sa debut at things ni Baby. 2 hours lang tulog ko nun---from 2-4pm lang. Naglaro kase kami ni baby eh. Pag gising ko, naligo ako then pinunasan ko na si baby at binihisan ng pang alis. Sakto dumating na si daddy at si jp nun. Umalis kami mga 6pm na. Dumeretso munakami kila ruthie kase bday nya. Ang hirap hanapin yung bahay nila kase wala namang streets na nakalagay sa daan tapos madilim pa. Anyway, nakarating naman kami dun. Ang sarap ng handa nya... nagustuhan ko yung embotido, spagetti at fruit salad! The best!Nakakatawa pa kase pinag kaguluhan si Lanna. Picture dito atpicture dun.... hehehehe! i-post ko nalang yung pictures dito pag sinend na sakin ni ruthie. Gabi na kami umalis dun--mga 9:00pm ata. Dumeretso kami agad sa bahay (QC), birthday naman ng sister kong si Jacqux. Wala pa sya nung dumating kami sa house, pero andun na sila ardey, itong and Amandine. Pag dating namin, nanood agad ng dvd (Click) si Jp. Ako naman, nag ayos ayos pa ng gamit namin. Dumating sister ko mga 10:00 pm na ata. We greeted her Happy Birthday then we gave her gifts na. We got her a blacksweater. Cute yon kase parang "gothic" ang style kaya bagay sa kanya. Ardey gave her mossino shorts. Gelai gave her a white blouse from Kirin-Kirin (c/o ME!)... nakalimutan ko bigay ni misiaoh eh, then si sar naman wala pa. Sa hotel na daw sya bukas pupunta. She (Jacqux) bought an accoustic guitar nga pala sa Sta. Mesa. Ganda! May pick-up. Cool.
Nagising ako mga 7:00 am ata. Kumain kami ng breakfast then naligo na agad kase sisimba kami ng 9:30am. After that, nanood na naman sila ng dvd. Ako naman, I tried to connect to the Internet pero NO GO! Hay kainis talaga. Mga 12:00 pm, nag lunch na kami agad then punta na kami sa hotel. Mga 2:00 pm kami dumating sa hotel. Pagdating na pagdating namin, nag prepare na kami agad para hindi naman kami mag mamadali later on. Sila papa at mama kasama si Gelai pumunta kay Bambi Fuentes para mag pa-make-up. Kami ni misiaoh nag pa-blower lang ng hair---Okay naman. Cool yung hair ni Jacqx nun kase ako nag ayos sa kanya! Nyahahaha! Around 5:00pm bihis na kaming lahat. Tapos narin pictorial ni gelai with her gown, invites, souvenirs sa hotel room. Gelai and I were sitting on the bed when she suddenly said "Shocksss!"... Guess what happen? Her shoe heel broke! Malas! Pero buti nalang ngayon kesa naman sa mismong party na db. I immediately voluntered to check if we (Itong) can find someone who can fix the heel ASAP, like Mr. Quickie or something. Buti nalang sa tapat ng Aberdeen court ay Crossings. Nakakita si itong ng Mr. Quickie outside pero kinabukasan pa daw magagawa... wag nalang! So pumunta ako sa department store. Good thing may mga red shoes sila dun at sale pa! Whahahahahaha! Nakapili ako agad kase 2 pairs lang yung choices ko... lucky day ko pa kase may size yung napili kong pair at sakto pa sa motiff ng party, Red and white. Hooray! Binigay ko agad pagdating namin so she can try it on... okay naman daw. The party started at 7:30 pm. It went well naman. Ang daming friends ni gelai na dumating. May song number rin si Alvin, gelai's friend. Sya yung kumanta rin nung wedding namin. At sempre mawawala ba si Tony Sabalza. Kahit pang oldies yung song, naka-relate pa rin ang mga bata kase ang ganda talaga ng voice nya.
Program flow---Prayers (c/o Itong), couple of speeches from the emcee, 18 gifts, dinner, 18 roses, special dance.... napakanta pako ng wala sa oras. I sang "It's too late" by Carole King. Then 18 candle, tapos speeches from us, sisters and cake blowing. Umakyat na si Jp sa hotel room kase antok na si Lanna... Sumunod narin si itong dun at si Amandine. Tulog na mga babies with their daddies! hehehe After that, speech from gelai and my mom and dad... tapos disco na. Inakyat namin sa hotel room yung mga gifts ni gelai. Then umuwi kami mga 11:00pm na. Dumaan muna kami sa house (qc) because we have to get some stuff at si yaya nandun rin. Nag expressway nakami on the home para mabilis... Lanna was fast asleep in my arms. Unfortunately, we ran out of gas approaching Petron station (pupunta Marilao Exit). Dumating agad yung mga NLEX patrol something, and we said we just ran out of gas... hindi kami umabot. So naglakad si jp holding a big empty mineral water. Ang tagal nya... malayo pa pala yung gasoline station! Kaya pala ang liit nung sign board! Nyahahahaha! kawawa naman yung asawa ko... umaambon pa kase nun... after an hour of waiting... okay na. After that nag pa-gas kami sa Caltex then went straight home. Pagdating namin sa house, nag ayos pako ng mga gamit. Ayoko kaseng magulo yung mga gamit eh. Gosh mga 2:30 am na ata kami natulognun... Grabeh pagod kami pero enjoy!
Holiday! We stayed home. 3 of us just watched Bones Season 1 (ata) on dvd. Ako naman, natulog buong araw. Jp was very kind to watch Lanna for me. I woke up 5:00 pm na... it's time to take a bath and go to work!
Happy 7 months old Lanna & more kwento...
+ August 17, 2006 +Wala naman nangyaring special ngayon. Hindi naman ako naghanda kahit konti ngayong 7 months si Lanna. Kinakantahan ko lang sya ng "Happy Birthday!" Hehehehe
Hindi pa namin nakukuha yung CPU sa SM. Nagawa na kase sya last last week. Nagamit ko pa nga last saturday, ka-chat ko pa si jun-jun nun, bigla nalang nawala... as in wala... black-out yung computer. So dinala namin uli dun sa store since under warranty naman. Nung isang araw bumalik si jp dun kaso rest day naman nung technician. Hay malas! Hangang ngayon hindi pa namin napupuntahan kase naman wala naman talaga kaming time. Hopefully, magawa na sya. Kase pag nagawa na yon, balak namin ibenta at bibili nalang ng bago... wishing well... Ngayong gabi... last day namin sa training. Grabeh mami-miss ko to! Final exam naman mamayang 1:00am. Hindi naman ako kinakabahan kase open notes naman. Next week "nesting" nakami sa floor. Goodluck sakin! Medyo kinakabahan ako kase ibang iba to compare eto sa previous work ko. Madali lang kung sa madali pero sempre bago palang ako. Swerte nga kami kase kasama kami sa mga pioneer ng account. Ayoko ng ikwento yung details kase... basta lang! ***Para sa mga gustong malaman yung reason or kung sino man sa inyo gustong malaman ang details ng kwento ko dito sa office... email nyo nalang ako... zitrozil@gmail.com
NAKAKAINIS TALAGA!!! Pede na ang yahoo mail dito sa office kaya araw-ara ko na syang nabubuksan. Kaso nung isang araw, ayaw na! Wrong password daw! What the fuck?! Hindi ko naman binago kaya yung password ko. Lagi rin naman ako nag la-log-out pero baket kaya?! Ni-try ko na uli kahapon baka sakali pero NO GO parin! I even tried the "Get New Password" option nila pero ayaw talaga! Mali daw yung information at image securit chuvanelss! Sobrang naiinis ako kase lahat ng friends ko andun sa address book at sa YM. Ayoko ng isipin, kaya gumawa nalang ako ng bagong email sa yahoo...Guys! Please please... add nyo ako sa YM....
Lizzzdls@yahoo.com
Change topic.... Birthday ngyon ni Ruthie... pupunta kami dun sa house nila pag labas ni jp sa office. Then uuwi nakami sa QC para dun nakami matutulog. Birthday rin ng sister ko ngayon, si Jacqux. Then bukas debut ng sister ko sa Aberdeen court, 6:00pm. Ipapakita ko sainyo yung invitation na ginawa nila... home-made rin!
Eto na mga kwento...
I went home that morning very tired and sleepy. Pag yakap ko kay baby, nawala yung pagod ko kase naman may lagnat sya. I immediately asked yaya if she gave Lanna any medicines na.Yes daw. So bilang nalang kami ng 4 hours for the next dosage. Malikot pa rin naman si baby kahit may sakit na. She bites everything she sees... her toys, my celphone, barney and even the remote control. Nako gigil na gigil pa. Mukang nag iipin na nga talaga. We watched baby mozart while Lanna played around the bed. Her usual routine is to stand up with the help of a pillow, face the wall, dance if theres music from the video, crawl around and look for my celphone. Hay! ang likot talaga. Minsan kase pag sabay kami natutulog, nauuna sya magising. Magigising nalang ako sinasabunutan na nya ako! Minsan antok na antok nako pero gusto ko pang bantayan si baby... Naisip ko, hindi naman ako si super naman para hindi matulog db. Kapag mga 11:00am or 12:00pm na, binibigay ko na sya sa yaya nya para makatulog naman ako. Gigising ako around 5:00 pm para maglaro na naman kami sa bed. Mga 6:00 pm, maliligo nako. Pero parang may sinat parin si baby. I have no choice kundi pumasok parin sa work since bago palang ako dun. Tinawagan ko nalang si jp para umuwi nalang sya ng maaga.
Saturday morning... nagtext sakin si Ate Jen, sabay na daw ako sa kanila pauwi ng Bulacan. Thank God! I don't have to take the bus. That last time I took the bus, eh may na-hold up pa! Hay buhay! Anyway, nakauwi nako agad nun. Pagdating namin, nag paluto na si ate ng breakfast habang ako naman nag papalit ng bedsheet at nag lilinis ng kwarto namin. Around 11:00 am, natulog si baby kaya nakapunta kami sa SM. May titignan daw sila ate dun. Ako naman titingin ng damit para may maisuot ako sa debut ng sister ko. Sa Karimadon ako pumunta. Ang daming choices pero hindi lang talaga kasya sakin! NAKAKAINIS!!! Kung dati nabibili ko lahat ng gusto ko pero ngayon hindi na... may pambili naman ako pero hindi lang talaga kasya sakin! I was about to give up kase naisip ko.."Am I looking in the wrong store?!" Sempre sasabihin nyo "OO!!!" Bwahahaha! Finally, may nakita akong blouse. Old rose, mahaba, halter style na backless... sa wakas kasya. Binili ko na pucha! So after that, umuwi na kami agad. Then kumain kami ng lunch tapos umalis narin sila ate around 4:00 pm kase may lakad pa daw sila. Ang galing nga kase gising pa rin ako! More than 24 hours nakong gising! Iba na nga tingin ko... parang malabo na.. or nahihilo nako... Nung gabi... walalang.. natulog nako sempre!
Sunday morning... feeling ko kulang na kulang parin ako sa tulog. Pumasok parin si JP pero half day lang sya kase pupunta kase sa 2nd Birthday ni cousin Williane Amandine sa Pixie Forest, Festival Mall, Alabang. Hindi na kami nakapag simba nun kase nilalagnat na naman si Lanna. Sobrang worried na nga ako nun kase nung friday pa sya may lagnat. Anyway, mga around 11 or 12 wala na syang lagnat kaya pagdating ni jp galing office, umalis na kami agad kase mahaba byahe namin... from North to South! Kasama namin si Mark (cousin ni jp), yung yaya ko nag day-off. Dumating kami dun sa Festival Mall around 2:00pm na. Tama lang. Nagulat nga mga tita ko kase ang laki na daw ni Lanna. Sempre! Huling kita kase namin eh buntis pako nun... tagal na pala. After the party, umuwi nakami agad. Sayang nga, gusto ko pa namang mag ikot pa sa mall. Kaso kelangan na namin umuwi kase masakit na daw yung tyan ni jp eh. Mga 7:30pm ata kami dumating ng Bulacan. Wala kaming dinner sa bahay kase wala nga yung yaya ko kaya kumain nalang kami sa KFC, SM marilao. After that, umuwi na kami. Grabeh! nakakapagod...
Pag uwi ko that morning nakita ko si jp sa kapit-bahay... Sempre nagulat ako kase hindi sya pumasok. Dadalin daw namin si Lanna sa doctor kase may lagnat pa rin... salamat naman. After ko magbreakfast, inayos ko na agad yung gamit ni baby then pinunasan ko na sya. Paalis na sana kami kaso wala pala yung susi ng kotse. Nasa room ni daddy... eh naka-lock yung room nya! Nanghiramnalang si jp ng motor sa kapit-bahay. Alam ko, dalawa yung motor nila. Isip ko, sana wag naman yung scooter kase baka hindi kami kasya. Pagdating ni jp, nakita ko scooter na maliit dala nya!Syet! Makaya kaya kami?! Nako naisip kong wag na magreklamo kase nanghiram lang kami. Paganahin nyo nalang yung imagination nyo... isipin nyo kung ano itsure namin nun! Anyway, sa ibang pedia kami pumunta kase yung pedia talaga ni baby sa gabi lang ang schedule. Okay naman yung doctor. Namaga lang daw yung left side ng tonsil ni baby kaya sya may lagnat. The doctor gave us antibiotoc and additional vitamins. Dumaan kami sa SM marilao to buy medicine. Pag daan namin, naaninag namin yung itsura namin habang umaandar... tawa kami ng tawa kase ang laki namin tapos ang liit-litt ng scooter! hehehehe Pag uwi namin, natulog nako agad. Pag gising ko , narinig ko nag lalaro si jp at si Lanna sa kabilang room. Naligo nako agad tapos nag dinner. Naisip ko, 7 months na pala si Lanna bukas. Ay nako! hindi nako bibili ng ice cream! Pinapakain pala ni jp si baby kapag may ice cream eh, kaya tuloy nagka-tonsil.
Aimz EP
Sa wakas, nakuha ko narin yung EP album ni Aimz kay Malen. Pag dating ko sa bahay, pinatugtog ko agad. Pinarinig ko kay jp. Hay! ayaw nyang maniwala si Amy yon... Ang dami pa naming diskusyon bago sya naniwala... as in ganito...
JP: Si Amy yan???
Liz: oo, sya nga!
JP: As in, yung kasama nila ruthie at malen??
Liz: oo, sya nga!
JP: As in, yung ka-officemate mo sa L2???
Liz: oo, sya nga!
JP: As in, yung umaakyat ng bundok kasama sila robbie??
Liz: oo, sya nga!
JP: As in, yung kasama nyo nag practise sa cubao dati???
Liz: oo, sya nga!
***Pero confused parin yung face nya...
Liz: AS IN, YUNG KAPATID NI BRYAN!!! HALER!
JP: Aaaaahhh....
Ang galing db?! Question ang Answer kami. Ngayon pinahiram ko sa sister ko yung cd parama-inspire sya. Marami rin kaseng compositions yung sister ko pero hindi lang nabibigyan ng pansin. At sempre, walang time. Hopefully, maayos rin namin yung compositions ng sisters ko, katulad ng ginagawa ni Aimz!
***Aimz nalang kase may kapangalan kang solo singer... AMY CRUZ!!! Bwahahaha kulot yon....
Training ~~~ L2, Thank You for the Memories...
Eto ang unang araw na naging Makati Girl ako. Start na kase ng training namin nyan. Two weeks kami sa Burgundy Tower, 8am-5pm... Oh divah! Office girl na office girl. Natuto rin ako sa wakas mag ayos ng hair at manamit ng formal. And in fairness, hindi naman nasayang yung Mary Kaye at Maybelline make-up I got last christmas--c/o Mami edna. Grabeh! ang hirap ng byahe ko... sobrang rush hour talaga. Pero enjoy naman sa training. I get to meet new individuals from different call centers, share experiences and common interest... unfortunately, I started smoking again. I know I'm not suppose to tell it here but what the hell! That's life!
Sobrang enjoy ako sa training... at hindi ako nag sisisi sa pag alis ko sa L2. Life goes on... Pero sempre, thankful parin ako.
Thank you for the memories....
New Vector Art by Misiaoh
Finally, eto na mga updates ko!I was browsing my sister's site when I noticed na marami na pala syang nagawang new vector art! Matagal na rin tapos yung pinagawa kong vector art para dito sa main logo ng blog ko. Mabagal kase mag load sa dial-up kaya hindi ko mapalitan agad agad. Hopefully, malagay ko na sya....
+ Cousin Chari +
+ Misioah and Maestro +