Tuesday, June 27, 2006

101 Hair styles

Don't ask why! Ganyan siguro talaga pag mahaba hair ng baby mo... maraming possible hair styles... hehehehehe!

Posted by Lizzz @ 2:36 PM :: (2) comments

Four days

Four days akong bakasyon... Friday, Saturday, Sunday and Monday. Haay! ang sarap ng nasa bahay lang at kasama si Baby hehehe... Galing kase ako sa inuman nung Thursday kaya nung Friday hindi ako nagising. At nabenta pa yung motor namin kaya hindi ako nakapasok nung Saturday hehehe. Sunday and Monday naman off ko... Nung Sunday pala, nag punta kami kila Ardey sa Las Piñas... Medyo maulan nga lang at ang hirap ng byahe kase matagtag... Don't ask why nalang hehehehe... After mass deretso nakami dun. Mga 12:30pm kami dumating. Pahinga konti then kain kami ng Lunch. After eating, play naman kami with our babies, Lanna and Amandine. Grabeh! ang daming toys ni Amandine! Nakakalula. Nakakatawa pa yung crib nya, may nakataling keyboard hehehe Tapos may maliit ng Drumset at guitar na pang bata talaga pero ako ata yung naglaro nun hehehehe! After that, nag aya yung sister ko pumunta ng Alabang Town Center. Punta kami lahat kasama namin si Lanna. Ngayon lang halos nakakapag-mall yon! Kase first time namin sya dinala sa SM Marilao eh mga 2-3 months palang ata sya nun so tulog lang sya lagi... Ngayon nilagay namin sya sa baby carrier (na bigay ni mamu) at si daddy Jp ang nagbuhat. Nakakatuwang tignan grabeh! Sayang hindi ko nakunan... Ang cute kase hindi sya umiiyak... tingin tingin lang sya mga tao. Binilan pa nga sya ni mami ko ng travel hat galing sa Enfant eh...

Umalis kami dun ng 6:00pm at bumalik nakmi sa house nila para mag dinner. After dinner konting kwentuhan then alis narin kami. Malayo pa kase byahe namin eh... From South to North! hehehehe Sa dadating na weekend malamang sa bahay nalang muna kami. Pero sana makanood naman kami ng sine! Superman! hehehehe

Share ko lang tong photo ni Lanna nung naglalaro kami.... bungal nga lang hehehehe!


Posted by Lizzz @ 2:20 PM :: (1) comments

Thursday, June 22, 2006

Nos Vemos

I kept silent these past two weeks kase ayoko maudlot mga plano ko. This is also the reason why wala akong update masyado, pero cge eto na…

Last week Monday (Independence Day eto), tinawagan ako dun sa *kabila… pumunta ako for the *initial, okay naman daw. Pagkatapos nun, deretso nako sa office at dun na natulog kase maaga pa pasok ko ng Tuesday morning. The next day (Tuesday ng hapon), tumawag uli yung *kabila… balik daw ako for the *final sa Thurday around 7:30pm. Iniisip ko ng mag back-out kase ayoko talaga ng mga ganon… para akong hihimatayin sa sobrang nerbyos at parang pinagpapawisan kung kili-kili ko.

So ayan, Thursday na… bahala na si batman. Dumating ako dun ng 7:10pm kase mabilis pala ang LRT 2, first time ko nun. Na-realise ko gagabihin ako at hindi pako nag di-dinner! Sobrang malas kase wala palang mga kainan dun. Pero isip ko okay lang kase parang hindi naman ako gutom sa sobrang nerbyos. Pinaakyat na kami sa taas at eto--may potato chips, Doritos, oreo at mineral water for us. Hay! Pede na yon! Hehehehe Sabi samin, 9:00pm pa daw start ng *final pero pinapunta lang kami ng maaga to prepare ourselves daw! Anak ng…!!! Baket kelangang sabihin pa yon?! Lalo akong kinakabahan eh. Ayan na, 9:00pm na. At ang galing, UNA PAKO! Pucha naman oh! Sabi ko, bahala na si batman talaga. After that, sabi sakin nung *isa, it went well daw. Sobrang nakahinga talaga ako ng maluwag. Tinawag uli ako nung *isa at sabi sakin, *okay na daw ako! Tuwa naman ako sempre. Tatawagan daw ako nung ibang *branch nila para mag *sulat uli. For formality nalang daw yon. Dumeretso uli ako office at dun na natulog kase maaga na naman pasok ko the next day.

Friday na… hindi pa tapos yung shift ko, tumatawag na naman yung *kabila… pumunta daw ako later at 4:00pm… Isip ko pauwiin nyo naman muna ako! Hehehe Nag request ako na Monday nalang.. pumayag naman sila… On the same day, nag pasa na rin ako ng *mahiwagang sulat ko sa *immediate namin at sinamahan nya ako sa *higher immediate namin. Pero kelangan ko pa daw kausapin yung *higher higher immediate namin. Wala sya nung oras na yon kaya sa ibang araw nalanag daw.

So etong last Monday na nga, andun ako sa *branch nila at nag *sulat uli. Ang tagal ng hinintay ko… hindi na nga ako nag lunch eh. Mga around 5:00pm pumirma na ako sa *papel at mga 6:00pm nako nakaalis dun. Pagdating ko sa bahay, tumawag na naman yung *kabila at kelangan ko daw bumalik ako kunabukasan. hayy...

So ayon tuesday, andun na naman ako pero this time sandali lang ako. After that umuwi nako ako agad. Nung mga hapon, sinundo na kami ni daddy sa bahay at umuwi nakami sa Bulacan.

Bumalik ako kanina sa *higher higher immediate namin at okay na... hintay nalang ako ng *araw.

Eto nga pala yung *mahiwagang papel ko….

Posted by Lizzz @ 12:54 PM :: (2) comments

Eto na ang Update!

Tagal ko na pala hindi nag po-post… May pinagkakaabalahan lang kase ako. So eto na ang mga kwento....

Last Saturday, may pa-battle of the bands sila aMiz. Unfortunately, hindi ako nakapunta kase I need to go home agad kase 5 months si Lanna nun at mag de-day-off ang mimay ko kaya kelangan ko talagang umuwi. Sayang kase gusto ko talaga pumunta nun pero alam mo may next time pa... Baka sa next time pede ako maging judge! hehehehe ang kapal! Anyway, so kami lang tatlo sa bahay that night. Kumain lang kami ng dinner then ice cream. After that, nood lang ng TV then tulog na.

The next day--Sunday, Father’s Day! Binigay ko na ng yung gift ko kay Jp, Black Dickes Polo. He liked it naman kase gusto talaga nya ng black na polo pang office eh. Nag simba kami around 9:00am then uwi agad kase magluluto kami ng lunch (Dinuguan at Crispy Pata--sarap!), dadating kase yung sister ni Jp. Around 10:30am, tumawag si mami ko… magbihis na daw kami dahil papunta na sila… susunduin daw kami at kakain ng lunch sa labas! What?! Nagulat ako… Sabi ko pede dinner nalang kase pupunta sila ate Jen at mag cha-chat pa kami with mamu after kumain. So ayon, okay lang daw sabi ni mami ko. Pero sayang kase kumain pala sila sa Crab King! Minsan-minsan lang kase kami kumain sa Crab King… like pag may occasion lang like Christmas and nung Sunday nga kase Father’s day. After mag chat, umalis na sila ate Jen kase mag di-dinner naman sila sa kabila, so sumabay nakami ni Lanna. Hinatid nila kami sa bahay namin sa QC kase mag di-dinner naman kami dun. Pagdating naming sa bahay, paalis narin sila Ardey kase pupunta daw sila Alabang. Bago sila umalis, binigay sakin ni Ardey yung mga dating damit ni Amandine na pang alis… Grabeh ang dami! Thanks Ardey! Ang gaganda talaga at yung iba branded pa! Once lang ata nasuot ni Amandine yon at nakalakihan na nya. Nag pa-deliver nalang kami ng Pizza for dinner kase tinatamad na silang at pagod na rin ako kase nag day-off nga mimay ko at ako lahat gumawa sa bahay nung lunch namin. Nag stay kami dun sa bahay hangang Tuesday kase may lakad ako nung Monday at Tuesday. Ask nyo ba kung ano lakad ko nung Monday at Tuesday? Sa susunod na entry ko nalang ikukwento yan ha. For now, Happy Father’s day muna!

Posted by Lizzz @ 12:45 PM :: (2) comments

Thursday, June 8, 2006

More pictures...

More pictures...

1.] Eto na si Williane Amandine, my ate's daughter.
She is turning 2 this coming August. As usual, sobrang kulet!


2.] Eto naman si Lanna with baby barney at yung original na barney
ni Amadine. Nag mukang jologs tuloy yung barney namin... hehehe


3.] Here is Lanna uli after paliguan ni mommy...
*May the force be with you*


4.] You can see here sa smile ni Amadine marami na syang ipin.... smile!

5.] Huli ka! buti hindi na shoot yung isang finger sa ilong...

Posted by Lizzz @ 1:46 PM :: (1) comments

Last week na kwento eto

Hay nako! It took me couple of days to post another entry here… pano I don’t feel like writing… trip ko lang mag basa these pass few days. Isa pa, naiirita ako kase ang daming trabaho. Finally, today pinilit ko nalang.. kunwari sinisipag ako… so here’s the kwento.

+ June 1, Thursday +
Umuwi kami sa bahay sa QC. Nagpaturo kase si JP sa sister ko ng photoshop. Dun na kami natulog that night, then pasok kami office kinabukasan. Yung mga sisters kong naiwan sa house ang nag bantay kay Lanna. After office ng Friday, umuwi ako agad kase birthday ng sister ko, si misiaoh (yung gumawa ng Vector art)… On the way, dumaan muna ako sa grocery store to buy diapers for Lanna… masikip na kase yung New Born size nya kaya try ko naman yung Small size. After kong bumili, naabutan ako ng malakas na ulan! Grabeh! Sobrang lakas! Parang may bagyo… ang lakas ng hangin. Sinarado ng grocery store yung doors nila at naririnig ko nag sisigawan yung mga tao sa labas… pano malakas nga yung ulan at hangin. Tumawag ako sa bahay at nag pasundo ako ng sa mimay namin kase wala akong dalang payong. Kahit malakas ang ulan, sumugod na kami. Gusto ko na kasing umuwi eh. Badtrip nga lang, basing-basa yung pantalon at sapatos ko… Pagdating ko sa bahay, brownout naman! Hay ano ba yan! Pero hindi naman mainit kase malakas nga yung hangin. Nagbihis ako agad ng pam-bahay at tumabi nako kay Lanna. Nag eenjoy naman sya playing, kicking etc. Nung narinig nya maingay yung blinds sa window, tumingin sya dun… nakatitig talaga. Nung kumulog, hindi naman sya natakot. Dumapa pa sya so she can have a good look of the window with the blinds swaying back and fort because of the wind. Nagka-koryente naman bandang 6:00 pm ata. Nagluto na agad si mommy ng spaghetti and we ordered KFC bucket chicken nalang. We waited for everybody else to arrive para sabay-sabay mag dinner. Late na dumating sila ate (with wabs and Amandine) kase sobrang traffic daw. Eto na nga pala kami… ang dami namin nho?!


After dinner, we had ice cream, more kwentuhan then natulog na kami ni JP kase may pasok pa kami the next day. Nanood pa ata sila ng dvd nun kase wala naman silang pasok.

+ June 3, Saturday +
Hinatid nako si JP sa office that morning. Guess what ang attire ko?! T-shirt, jogging pants and rubber shoes.. para akong mag gi-gym.. nabasa nga kase yung pants ko kaya wala akong masuot. Anyway, Saturday naman kaya okay lang. Nag text ako kay papa na ma-le-late ako ng labas kase may meeting pa kami… susunduin nya kase ako eh. Pag wala daw ulan, mag mo-motor kami pero pag may ulan, van nalang. I received a call from my sister, asking where I was… sabi ko pababa na. Isip ko, ayos! Naka-van kami… hindi madudumihan yung jogging pants ko… pag bukas ko ng pinto, nagulat ako. Kase andun pala si mama at si Lanna! Nag tatago sila… surprise daw! Hehehehe On the way home, hindi man lang umiyak si Lanna, sobrang busy kase nakatingin sa window… sight-seeing!

That night, nag chat kami ng mom ni JP sa YM. She was asking if she can see Lanna sa Webcam. Unfortunately, ayaw gumana ng webcam dun sa sobrang mabagal naming computer hehehe. After that, natulog nakami. Si jp, umuwi na kanila kaya naiwan kami ni Lanna sa bahay.

+ June 4, Sunday +
Nagising ako around 6:00 am. Nagpahatid kami kay papa papuntang bulacan. Dumating kami ng Bulacan around 8:00 am ata. Tamang tama, umabot kami sa church. Ang misa kase is 9:00 am. After ng mass, uwi na. Lunch kami then siesta. Hinintay ko talaga matulog si Lanna kase guguputin ko yung nails nya. After kong gupitan, ako naman matutulog.. bigla ba namng nagising at ayaw matulog. Badtrip! Luge ako! Hindi pako nakakatulog… antok na antok pa naman ako kase ilang araw akong puyat. Nagagalit si Lanna kapag nakahiga… gusto nya nakaupo sya… kaya eto binigay ko sya sa daddy nya at dun sya sa arm nakasandal para makaupo… Grabeh, sobrang gulo-gulo ang hair ni Lanna dito… papano ayaw mag pa-ipit ng hair… kaya ayan, muka syang lion….


Then around late afternoon, nagutom. Nakakuha ako ng chance ipitan yung hair nya while she was drinking her milk. Then after that… ayun, tulog!

Posted by Lizzz @ 1:20 PM :: (2) comments

Saturday, June 3, 2006

Saturday ngayon

Saturday na! Sa wakas off ko na... Can't wait to sleep. Sobrang puyat kase ako lately. Birthday ng sister ko nga pala kahapon, at dun kami nag dinner sa bahay. Ang saya kase kompleto kaming lahat... As usual, malikot pa rin si Amandine pero nakakatuwa kase natutuwa sya kay Lanna. Dun kami natulog sa house namin kagabi pati sila ate... kahit siksikan, oklang. Birthday rin ng mother-in-law ko---Happy Birthday mamu! Mag chat kami mamaya pagdating ko sa house... para makita rin nya si Lanna sa webcam. 3 weeks narin kami hindi nakakapag-chat eh. Miss na daw nya si Lanna. After kong mag chat, manonood na rin ako ng "The Origins of the Vinci code", dvd na nahiram ko kay malen... Promis 3 weeks ko syang hinintay para ipahiram nya sakin yan... 3 weeks ko rin hihiramin to! hehehe... Basta pictures to come!

Babay muna...

Ingat sa mga peepz.... maulan.

Posted by Lizzz @ 2:17 PM :: (1) comments

+ About Me +

* daughter * caring sister * wife * loving mother * caring friend * bassist * x-guitarist * drummer * bathroom singer * trained ramp model * former cheerleader * frustrated swimmer * beach-goer * tennis player * driver * internet surfer * x-readers digest collector * pizza addict * popcorn muncher * movie watcher * pastry chef wanna-be * party-goer * beer drinker * music lover *

My Unkymood Punkymood (Unkymoods)

+ Visit my sites +

    listette1b

+ Current Posts +

+ MUST READ +